Saturday, February 19, 2005
Prelim Exam to Sisig
Nagpunta ako kanina sa JP Sioson apra kunin yung X-Ray namin ni Tristan at nagulat ako na may mukha ng babae sa puso ko (joke!) Hehehe..ok naman yung findings sa x-ray namin, nakalagay lang naman na "Diaphram and sinuses are unremarkable"..wow labo.. o.O Tapos ay nagtungo naman ako sa SSS para kunin yung lintek na SSS number na yan. Matapos nun ay nagpunta na akong AMA para umistambay at mangulit dahil prelim na..hehehe..Pagdating ko sa AMA ay pawis na pawis ako dahil ang init amf! Kaya sinabi ko kina ma'am gem na magpapalamig muna ako. Nagpunta ako sa encyclopedia section at nagbasa ng "The Nature of Life". Hindi namalayan na nakatulog na pala ako at pag gising ko ay malapit na magsara library..hehehe..Hindi muna ako umuwi bagkus ay pumunta ako sa CS faculty para mangulit..este para hintayin sina Tristan at Mon dahil 8 pa labasan nila @_@ Habang nadun ako ay kunukulit ako ni Ma'am Grace, tinatanong niya ako kung gusto ko mag proctor, pero sabi ko hindi naman ako naka polo kaya diyahe naman. Tapos nagkuwentuhan kami ng nakakatakot hehehe. Hindi ko namalayan na 8 na at nagsibaban na nga kami. Nagkayayan kami na kumain sa sisigan at sinama namin ang mga SCA (Student Cathollic Action) at sina sir Manota at sir Eman. Sasama sana namin si Ma'am Grace kaso may exam siya ng masteral bukas eh. Nagkuwentuhan kami sa sisigan mula sa topic na sir pepito, mga "special children" ng AMA hanggang sa pag reminisce ng Eleksyon 2004. Mga volunteers kasi kami dun at Nagpunta kami sa GMA para mag encode. Ayun napasarap kwentuhan namin at inabot na kami ng 11pm. Asar..hindi na naman ako nakalaro ng Tantra..makalaro na nga..
Friday, February 18, 2005
From X-Ray to Constantine
Nagpa X-Ray kami ni Tristan sa JP Sioson kanina, sinamahan kami ng dad niya kaya libre transpo hehehe...nung ine x-ray ako ay pinatayo ako sa pader na may metal plate at sinabi na huminga daw ako ng malalim. Ngayon alam ko na nararamdaman ng papel pag sine xerox..wakekeke! Tapos nun ay hinatid kami sa NBI sa Quiapo at iniwan na kami ng dad ni Tristan dun. Pag akyat namin ay nalaman namin na may P20 palang entrance fee! buset na gobyerno yan! hehehe! First time ko kumuha ng clearance kaya dumaan ako sa mahabang proseso...huhuhu. Akala ko makukuha ko na ung NBI clearance ko pero hindi papala..27 hits ako eh (27 na may kaparehong pangalan) Babalik pa ako sa 22!! Arrgghh!!! Anyway..matapos nun ay pumunta kami sa siopao heaven (hehehe, hindi dito, sa ongpin) dahil puro instik, kaya siopao heaven! hehehe...sarap nung kinain namin dun..makime..yummm...tapos naglibot kami para maghanap ng instik..ehek! Maghanap pala ng bibilhin wakekeke! Swerte ko nakita ko new album ni BoA. Original kaya binili ko na! Saan ka makakakita ng P160 na orig??! eto un o:

Matapos ang Siopao Heaven escapade namin ay nagpunta na kaming SM North para manood ng Constantine(pabulong). Ang daming tao! Pero maganda kasi ung movie eh. Panoorin niyo rin at hindi kayo magsisisi. Ung spongebob hindi pa showing!!! Aaaaarrgghhhh!!!
Matapos ang Siopao Heaven escapade namin ay nagpunta na kaming SM North para manood ng Constantine(pabulong). Ang daming tao! Pero maganda kasi ung movie eh. Panoorin niyo rin at hindi kayo magsisisi. Ung spongebob hindi pa showing!!! Aaaaarrgghhhh!!!
Monday, February 14, 2005
Lova Palooza
Waahhh ang lufet ng lavapalooza!!! Nagpunta kami kagabi nila Tristan, Tin, Ate Joy at Kuya Mark sa Roxas Blvd. para sa lovapalooza! Nagsimula yung event ng 6:30 PM (+8 GMT) Nanggaling pa kami sa school ni Tristan kaya natagalan kami makipagkita kina kuya mark at tin. So eto nga nagbyabayahe na kami, Nasa Maynila na kami ng mapansin ni Tin na malapit na maubos gasolina niya! AMF! Akala namin hindi na kami aabot sa Roxas Blvd. Grabe pa nga yung traffic, napilitan kaming lumiko sa pedestrian sidewalk @_@ Sa awa ng Diyos nakapag park kami malapit sa PICC at nilakad na lang namin papunta dun sa "epicenter" ng lovapalooza. Ang daming tao AMF! Nagsasama-sama mga conio at mga jologs sa iisang event! Meron din mga pangkista, rakista, karatista (ehek!) Siyempre ang fave ko dun ay madaming chicks!
Lalo na yung mga koreana
Ayun pinanood namin yung Bamboo / Rivermaya (dahil puro naman kasi Rivermaya kinakanta nila) Ang galing ni Archie Alemania (sagad!) (hehehe, kamukha kasi ni Bamboo si archie eh). Matapos mag jamming ng Bamboo ay napansin namin na nag uuwian na yung iba (bashtush!) Kami naman ni Tristan at Tin ay umupo muna sa baywalk at nag kwentuhan sa harap ng dalampasigan. Tapos sumapit ang 12 Midnight. Lap-lapan na!
Tapos kasabay nun ay fireworks display na nanggagaling sa mga barko sa Manila Bay! Ang lufeeett!!! Madaling araw na kami nakauwi kaya kina Tristan na ako natulog (pinagsarhan ako ng pinto eh!) Sarap pala dun pag gabi, ang lamig! Buti na lang mainit na tsampurado agahan namin kaya nawala yung lamig sa katawan ko. Sana makabalik kami next year, at sana kasama ko na si...nevermind...asa ka pa boy!
Wednesday, February 09, 2005
ISO Inspection Day 2
Waw! 10:30 am nagpunta yung ISO inspector sa library para sa final inspection. Buti na lang maayos ang lahat nung sumulpot siya ^_^ Ayun sa wakas tapos na inspection at pumasa ang Library! as usual.hehehe. pagkatapos nun ay nilibre ako ni Ma'am Gem sa 4m (formerly known as Aldiwan) La lang share ko lang! Kanina depress yung chatmate ko, ewan ko ba dun. Hindi naman ata ako napapansin nun eh. Hindi niya ba na rerealize na pinapasaya ko siya? Haayy..wala naman pala akong kwenta eh. Hehehe..oi teka off topic na pala! So ganun nga tapos na kaming kumain..tapos nung mga bandang tanghali ay nakita ko naman si Tristan, putek nagyaya kumain! Lamon na naman ako! Hehehe..after school nagpunta kami ni Tristan sa estudyante niyang arabo na nagpapatulong mag install ng Visual Basic. Pagpasok naman sa bahay ay parang nasa Saudi ako! @_@ Nung matapos na kami dun ay dumeretso naman kami kina kuya mark para mag net..este para pag usapan ang isang "business proposal" Bago kami umuwi ni Tristan ay naabutan pa kami nung maganda niyang ate (hahaha sepsep!)
Ay bukas nga pala Chines New year
Sin nee quai lok!
ay oo nga pala, bukas din i cecelebrate naming mga Catholic ang Ash Wednesday. kaya baka hindi muna ako mag net bukas at magisismba na rin ako ^_^
Ay bukas nga pala Chines New year
Sin nee quai lok!
ay oo nga pala, bukas din i cecelebrate naming mga Catholic ang Ash Wednesday. kaya baka hindi muna ako mag net bukas at magisismba na rin ako ^_^
Tuesday, February 08, 2005
ISO Inspection Day 1
Waahhh late na ako nagising!! Kasi ba naman binangungot ako eh Buti na lang kumakain pa yung inspectors nung dumating ako. Tapos nagulat na lang kami ng sinabing uunahin yung NMA Library! Ayun nataranta si Ma'am Che kaya sinamahan ko na siya dun. habang nandun ang inspector akalain mo ba naman na kung ano anong kababalghan ang nangyari. Una, sira pc ni mam kaya kailangan kong palitan. Tapos sira yung AVR kaya kailanagn palitan din! Tapos nagloloko libsys! Tapos may pumasok pa biglang janitor tapos sumigaw ng "MA'AM PATAYIN NIYO DAW YUNG AIRCON, HINDI DAW KAYA NG BREAKER!" Waahh! Amf! Buti naman naging maayos ang lahat. Matapos nun ay pinakiusapan naman ako ni ma'am grace na mag "substitute" daw ako sa klase ng COMPR4, tutal mukha naman akong prof. wakekeke! Aba naniwala ang mga mokong na estudyante na prof. ako! Todo galang sila sa akin at yung iba pa tinatanong kung ano hawak kong subj. Sabi ko na lang na hawak ko MULMED kasi nagbubutingting ako ng FLASH nun eh ^_^; 11-2pm sked nila at naging mainam naman ang pagtuturo ko. Wakekeke!. Nang matapos ang unos ay nag sit-in naman ako sa classroom ni Mr. Datoc (ang panget pakinggan amf!). kunwari estudyante naman ako ^_^ Binulungan ko yung katabi ko na "Batiin mo si sir, birthday niya ngayon" Ayun kumanta ang buong klase :P Wakekeke! Sumabay na akong umuwi kay birthday boy at binigay ko na rin yung regalo kong porn este lalagyan ng cd ^_^ Kumain kami sa bahay ni birthday boy (kami, kasi kasama ko si tin) at busog na busog ako dun sa machang! As usual nakita ko n naman yung 2 utol ni Tristan na si Nina at Ate Tristan..este Ate Ina..la lang gusto ko lang sabhin na nakita ko sila ^_^; Haay..kakapagod itong araw na ito o.O...tutulog na ako kasi maaga na naman ako bukas (actually mamaya na eh)
Subscribe to:
Posts (Atom)